Exodus 25:1-9

Mga Handog para sa Toldang Tipanan

(Exo. 35:4-9)

1Sinabi ng Panginoon kay Moises, 2“Sabihin mo sa mga Israelita na maghandog sila sa akin. Ikaw ang tumanggap ng kanilang mga handog na gusto nilang ialay sa akin. 3Ito ang mga handog na tatanggapin mo mula sa kanila: ginto, pilak, tanso, 4lanang kulay asul, ube at pula, manipis na telang linen, tela na gawa sa balahibo ng kambing, 5balat ng lalaking tupa na kinulayan ng pula, magandang klase ng balat, kahoy na akasya, 6langis ng olibo para sa ilaw, mga sangkap sa langis na pamahid at pabango sa insenso, 7batong onix at iba pang mamahaling bato na ilalagay sa espesyal na damit
espesyal na damit: sa Hebreo, “efod.”
ng punong pari at sa bulsa sa dibdib nito.

8“Ipagawa mo sa mga mamamayan ng Israel ang Toldang Sambahan para sa akin kung saan titira akong kasama nila. 9Ipagawa mo ang Toldang Sambahan at ang mga kagamitan dito ayon sa eksaktong tuntunin na sinabi ko sa iyo.

Copyright information for TglASD